Mga Marka

, ,

 

 

 

 

 

Una kong nabasa ang artikulong, “Conrad de Quiros most successful mole in history of espionage” di ko pa masyadong naintindihan kung ano ang pinagmumulan ng animoy hinanakit ni Sen. Joker Arroyo kay Condrado de Quiros. ‘Nung mabasa ko na ang sagot ni de Quiros kay Arroyo sa opinyon niyang pinamagatang “Joke” nagkaroon din ng kaunting linaw ang aking mga katanungan.

Marahil malalim ang pinag-uugatan ng dalawang panig. Gusto kong isiping sa sistema ng demokrasya ng bansa nagiging bukas lang ang dalawa (de Quiros at Arroyo) sa malayang paghayag ng kanilang saloobin. May gusto ring ipunto sa pag-uugali ng bawat isa bilang matagal na ring nabubuhay sa bansang ito. Ako mismo, ano man ang pinagdaanan nila sa kasaysayan ng bansa para makapagdesisyon ng kung anuman ang kanilang pinapanigan sa kani-kanilang opinyon. Sa kabila ng lahat ng palitan nila ng iba’t ibang akusasyon sa bawat isa, NALILITO AKO KUNG SINO ANG PAPANIGAN.

Sa totoo lang, PAREHO KO KASI SILANG GUSTO AT HINAHANGAAN. BIKOLANO SILA! ORAGON! Alam ko na may kahinaan at kalakasan ang bawat isa. Sana, SA KABILA NG LAHAT, “ng word war”, MAAYOS DIN ANG LAHAT! AN MGA BIKOLANO ORAGON PERO MALAMBINGON!